According to Section 1 Article XI of the Philippine Constitution, Public office is a public trust. Public officers and employees must, at all times, be accountable to the people, serve them with utmost responsibility, integrity, loyalty, and efficiency; act with patriotism and justice, and lead modest lives.
Very nice to read right? But if you observe in almost all government offices, this Constitutional mandate seems lost... lost in space as if it doesn’t exist at all. Worst thing? They just corrupt the Filipino people who humbly and honestly pay their taxes for their salaries and bonuses and other benefits.
Was so innocent then, I viewed the world as a Utopia. My parents opened a beautiful world for me. But not until I journeyed the reality. The world before is the complete opposite of the world where I exist now.
Ang dati kong inosenting pag iisip ay namulat na sa maraming katotohanang hindi mawari ng aking isip. Isa na rito kung paano tayo lokohin ng mga nasa gobyerno.
Papaano? Basahin mo…
Ang start ng opisina sa gobyerno 8:00 ng umaga, ngunit alas 9:00 wala pa rin sila. Makikita mo iilan lang, yong janitor, gardener, clerk, OJT siguro kung meron at iilang regular na empleyado. Wala pa sila ngunit pag nakita mo time card nila naka IN na sila. “Ano yon kaluluwa?” Hindi! Tumawag sila kay manong janitor, "Manong, paki IN naman ako." Si manong naman ooo. Oh di ba astig?
O eto na sila nagsipasukan na, 10:00 na. Ngunit hindi pa yan maguumpisa kasi mag mamake- up muna yan, papaganda at daldal muna tungkol sa napanood nila kagabi na telenobela. Ah magtatalo pa pala muna sila kung alin ang mas maganda, KAPUSO BA O KAPAMILYA. “Mga walang puso, bilis bilisan mo naman at may hinahabol pa ako. Pwede bang ako muna asikasuhin mo!” marahil gusto mong isigaw to ngunit wag na lang baka lalo ka lang dedmahin ng PUBLIC EMPLOYEE na to.
Alas 12:00 na breaktime, mag hihintay ka na naman, walang tigil na pag hihintay, yong papel mo natutulog na din. Ayan 1:00 na. “Hay salamat” sabi mo. Ngunit asan na sila? Alas dos na sila papasok kasi mamasyal muna sa mall, park at sa tabi- tabi. “Hind na nahiya naka uniporme pa naman” WAH! Wala kang magawa kundi maghintay. Ayan inaasikaso na nila papel mo, kung tutuusin madali lang i- process ngunit inabot ka ng hapon bago inasikaso ang papel mo. Kawawang Juan Dela Cruz.
Kung ang involve pera o lupa, wag mo ng asahang mapapdali ang pag process ng papel mo. Maghanda ka na lang ng ilang Ninoy (pampadulas daw).
Akala mo ganun ganun na lang? Ngayon mahal na ang gatas at lahat ng bilihin, sabi nila kulang daw sweldo nila para sa pamilya nila (bakit ilan ba pamilya niya?)
Ito may pondo galing sa National Government. Sabi ni Director o sino mang nakakataas, ganito ang projects natin… Ito si contractor, magkadikit sila ni Director. Ibibigay yong project kay contractor. Kunwari may bidding “sige gawa ka documento.” Automatic may share si Director, 50% siguro baka mas malaki pa dun. Si contractor walang ibang trabaho eh kaya sige tanggap. Gastos pa siya pampakain o pampakape kay Director at yong iba pa. Sosyal pa nga ang kapehan nila. Ngunit kung tutuusin, mababa lang ang presyo ng project magtatanim lang naman ng mga puno ngunit napakalaki ng pondo para doon. Kasi naman ang share ni Director nakasama na doon. Yung tulay na ginawa may share din si Director, proud pa si Director may project ang office niya, may billboard size pa na picture ng mukha niya matapos ang tatlong buwan dumaan lang si bagyo, ayon ang tulay bumagsak. Kawawa naman si Juan Dela Cruz na nasawi dahil sa tulay na hindi matibay. Paano kasi ang materyales na ginamit, binili lang sa tabi- tabi kaya mura na low quality pa. Kasi si contractor inuuna ang share ni Director.
Ito may pondo para sa agency na ito. Sabi ni boss, wala na daw office supplies. Gagawa si office staff ng Purchase/ Procurement Order. Ang mga supplies bibilhin kay ABAKADA Enterprise. Lahat legal. Pipirma lahat ng dapat pipirma. Akala mo legal kasi complete requirements. Hindi mo alam may darating na cheque PAYABLE TO CASH! Para kay boss yun. Ngunit uutusan niya si janitor “paki encash ang cheque ko, magdala ka ng ID mo ha?” Ikaw janitor ang pipirma ng cheque nga payable to cash (kung sino ang may hawak nung cheque, siya ang payee).”Mission accomplished na” Walang malay si janitor an ginamit ka lang ni boss para maging pera yong kinurakot niya sa gobyerno. Kawawang Juan Dela Cruz
Wala pang isang linggo, dami na naming Purchases. Naku muchos gracias na naman si boss daming datung. Bibili ng pagkain para sa office staff niya, syempre pampabango.
Akala mo ba dito natatapos ang lahat? Hindi ah! Marami pa ngunit sa dami pudpud na daliri ko sa kaka encode. Walang kwenta naman. Sige next time ulit, kwentuhan kita.
SONA ni Pangulong Ninoy Aquino
14 years ago
7 REACTION:
What is hoi polloi? hehe. Hmmm.. But one office i admire so far. The red ribbon of dfa, nagulat ako sa bilis, di ko inasahan. And to think that was free. Mr. Renato Eernardo, the supervisor personally attends to the needs of people concerned. He was not friendly but makes his work PERFECT!
ang kurapsyon parang virus lang na nakakahawa. kung gaano kagrabe ang impeksyon ng nasa pinakataas na pwesto sa gobyerno, ganon din kalakas ang epekto nun sa mga nasa ilalim niya.
gudlak, filipinas. mabuhay ka pa kaya?
Ouch Gloria! Ouch Gloria! hahaha.
The thing about corruption is, everyone is complaining about it. But they don't look at themselves in the mirror. It's a two-way thing. If people don't want to be corrupted, and so strong against it, walang ding mangungurakot. This is a thing that needs two people. Like tango...it takes two, so I don't put all the burden among the officials but to the people too!
Isa pa,yung ang tagal mong pumila at ng sumapit ang alas-dose,magsasara ang window at sasabihin ng govt employee "LUNCHBREAK kami"
Wala man lang sistema para sa mga nakapila.Pwede namang kunin na yung mga papel nung mga nakapila para hindi na magulo.
Sa airport,grabe din ang korupsyon.May punto din si Healthy and Sexy.Huwag tayong maglalagay para walang magpalagay.Mayroon kasing mga mahihinang tao na madaling masilaw sa pera o lagay.
ako talaga hindi ako naglalagay, nakasimangot na nga yong empleyado sakin pero hindi parin ako nagbibigay dahil hindi ko naman obligasyon yun eh.
besides i dont tolerate that ill be corrupted nor bribed by anyone
yah, nakakainis talagang pumunta sa mga public offices. nakakabwisit na nga 'yong bagal ng serbisyo nila, sila pa 'yong ganang magsungit! dito sa amin, hate na hate ko iyong mga public hospitals. kung naghihingalo 'yong pasyente mo tas doon mo dinala at wala kang pera tiyak na mamamatay sya... whew!
nang magconduct ng interview sa mga public departments, naku, nakakahigh blood. pinagpapasa kmi kung kanino-nino saka pinapabalik2!!! tapos 'yong mga employees, parang EWAn, hindi ata nila alam kung ano ba talaga ang trabaho nila.
ganyan din ang sistema sa public schools... laging late ang mga teachers, minsan absent pa... eh anu nman ngayon, kumpleto pa rin naman 'yong suweldo nila every month... whew!
public servants should serve the public. pro hindi yan ang nangyayari. Public(through taxes) serves the so called "public servant"...
Post a Comment